Narating na nina Troubling Rain, at Huang Shaotian ang dulo ng mahanging rehiyon. Hindi kaagad na pinuntahan ng dalawa ang kinaroroonan ng tatlong manlalaro sa gitna. Kasi naman, nagpatuloy muna sila sa kanilang paglalakad.
Ang distansyang kinakailangan para marating nila ang sentro ng isang rehiyon mula sa dulo ay napagsaliksikan na ng Team Blue Rain. Kapag piniling dumeretso nitong dalawa sa sentro ng mapa ay alam nila na masasalungat ang daan nila sa hangin, at dahil diyan ay magiging mabagal sila.
Pero kapag umakyat pa sila paitaas, kapag papunta na sila sa sentro ng mahanging rehiyon ay pababa na ang daang tinatahak nila. Dahil diyan, hindi na sila maaabala pa nang hangin.
Ang distansya, at ang anggulong pinili ng dalawa ay nakadepende sa kung ano ang naiintindihan nila tungkol sa katangian ng mapa na ito. Ito ay dahil sa magkaiba ang anggulong pinili nina Troubling Rain, at Bullet Rain sa kanilang pagpasok.