Matapos matingnan ang mga palatandaang nakita ni Li Yibo sa mga nagdaang yugto ng labanan sa labanang ito ay naging kampante na sa kaniyang mga pananaw si Li Yibo. Noong unang nagpalitan ng mga atake ang dalawang kampo ay naging dehado ang Happy.
Sa mga panahong 'yun, kaya naman sanang ilagan ng Happy ang atake ng Blue Rain. Pero pinili pa ring harapin ng Happy silang lahat.
Ginusto sanang sabihin ni Li Yibo na hindi niya naiintindihan ang naging desisyon ng Happy. Pero dahil sa masyadong mabilis ang naging takbo ng labanan ay hindi na siya nagkaroon ng sapat na oras para magsalita pa.
Pero ang takbo ng labanan ay hindi inaasahang magiging ganito. Bago pa man mangyari ang lahat ng ito ay naging masyadong marami rin ang mga detalyeng karapat-dapat lang na pag-usapan.