Masyadong mahirap para sa mga manonood na bantayan ang lahat ng mga nangyayari sa labanng ito.
Ito ay dahil sa masyadong marami ang mga nangyayari sa labanan na ito sa punto na nahirapan na silang ituon ang kanilang pansin sa isang partikular na labanan.
Walang kahit na sino sa dalawang Team ang mayroong partikular na stratehiya. Sa madaling sabi, sa mga panahong kaharap nila ang isa't-isa ay wala silang malinaw na stratehiyang ginagamit para kalabanin ang isa't-isa.
Paulit-ulit lamang nilang iniaakma ang kanilang sarili sa mga pagbabagong nagaganap sa labanan.
Sino ang nananalo? Sino ang natatalo?
Kung opensiba ang pag-uusapan ay nasa mga kamay ng Blue Rain ang tagumpay. Ito ay dahil sa mga sandaling ito, nakikita mo naman na watak-watak pa ang Happy.
Pero ang ilang mga manonood na kanina pa nakatuon ang pansin sa labanan ay namalayan na noon, nasa kamay ng Blue Rain ang kalamangan ng mga malalakas na bugso ng hangin, pero ngayon?