"Uy! Ano ba 'yang ginagawa ninyo?" Pasigaw na sabi ni Steamed Bun sa chat. Kahit na hindi siya kasing-ingay ni Huang Shaotian ay mas maingay pa rin naman siya kaysa sa mga ordinaryong manlalaro.
Idagdag pa na dahil ang karamihan sa mga baguhang manlalaro ay mga maiingat sa kanilang labanan, madalang lamang na may matatagpuan kang mga baguhang manlalarong kasing-ingay nitong si Steamed Bun.
Hindi lamang sa maingay si Steamed Bun ay magaling rin siyang magsalita sa isang pamamaraan na naaakit niya ang atensyon ng lahat.
Sa totoo lang ay wala namang problema ito sa ilang mga sitwasyon, pero sa mga sandaling ito ay pinapagalitan niya ang kaniyang mga kalaban na para bang sila ay may nagawang kasalanan sa kaniya.
Nagalit si Steamed Bun dahil sa naputol ang koneksyon niya kay Ye Xiu dahil sa biglaang pagbago ng mga manlalaro ng Blue Rain sa manlalarong kanilang pinupuntirya.
"Ano bang iniisip niyo?!" Pasigaw na sabi ni Steamed Bun.