"Ambilis, ah!" Napasigaw ang karamihan sa mga manonood.
Hindi kadalasang nagaganap ang mga ganitong klase ng labanan na kung saan mga kakaibang mapa na mayroong bukod-tanging katangian ang ginagamit. Kadalasang nangyayari iyong mga labanan na kung saan ang mapa ay mayroong mga malalakas na hangin.
Pero ang Gusty Gardens lamang ang mapa na mayroong mga bukal ng hangin na nakakagawa ng mga malalakas na bugso ng hangin sa punto na napapabilis nito ang galawan ng mga karakter.
Tungkol naman sa kung gaano kabilis ang pagpapabilis ng mga hangin na ito sa isang karakter, hindi malinaw ang sagot sa katanungang iyan. Nag-iiba naman kasi ang epekto ng mga hangin depende sa kung gaano kabigat ang isang karakter, at ang kaniyang mga stats.
Pero batay sa gaano kabilis ngayon ang mga manalaro ng Team Blue Rain ay malamang na umaabot sa humigit-kumulang 50% ang pagpapabilis na iginagawad nang mga malalakas na bugso ng hangin mula sa bukal ng hangin na nasa likuran nila.