Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1458 - Hurricane Cannon

Chapter 1458 - Hurricane Cannon

Kinuha ng Troubling Rain ni Huang Shaotian ang inisyatiba para umatras. Pero ngayon, oras na para si Su Mucheng naman ang maghabol. Itinaas niya ang kaniyang kanyon gamit ang dalawa niyang mga kamay, at hinabol niya si Troubling Rain.

Sinunod niya ang daang tinahak ni Troubling Rain sa pag-alis, at kahit na wala na sa kaniyang mga mata si Troubling Rain ay naging desidido pa rin naman siya sa kaniyang aksyon.

Boom!

Nabalot nang mga maliliwanag na ilaw na nagmumula sa mga pagsabog ang buong kagubatan. Dahil ito na ang huling laban sa Group Arena na ito ay hindi na kailangang magtipid pa ang dalawang kampo sa kanilang mga Mana.

Idagdag pa na isang Area of Effect rin ang pinsalang nailalapat ni Su Mucheng sa kaniyang mga ordinartong atake. Dahil diyan, sinira ni Su Mucheng ang kagubatang nasa paligid niya, at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para gawin itong kapatagan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS