May sapat na oras si Li Yibo para pag-isipan ang mga nangyari, pero walang oras dito ang mga manlalarong kinakalaban ang isa't-isa sa entablado.
Ang naging magandang paglalaro ni Su Mucheng ang naging dahilan para maging matagumpay ang pag-atake niya kay Troubling Rain na kasalukuyang nakalutang pa sa hangin dahil sa pagsabog ng Anti-Tank Missiles.
Napunta rin sa isang tabi si Dancing Rain dahil sa pwersa na nasa likuran ng Anti-Tank Missile na ito, pero syempre. Hindi pa rin niya hahayaang makawala sa kaniyang mga kamay ang pagkakataong ito.
Boom!
Isang missile na naman ang lumipad sa hangin, nagpapaikot-ikot pa rin si Dancing Rain na para bang inihagis lang niya ang missile. Pero kahit na parang inihagis niya ang missile ay tumpak na tumpak pa rin naman ang daang tinatahak nito papunta sa kalaban.