Kaagad na ginanahan ang lahat sa istadyum.
Sa nagdaang yugto ng mga labanan ay nakita ng lahat ang intensyon ng Blue Rain dahil sa ginawa nilang pagpili sa mapa na ito. Masyadong naging marami ang mga plano nila para patumbahin ang Happy.
Sa nagdaang labanan ay hinarap nina Fang Rui, at Lu Hanwen ang isa't-isa. Pero kahit na nagtagumpay sa labanang iyon si Lu Hanwen ay hindi nawala ang kabang nararamdaman ng mga tagahanga ng Blue Rain dahil sa baka may ipakitang kakaibang galawan si Fang Rui para mabaliktad ang labanan.
Mabuti na lamang ay natapos na ang labanang iyon.
At saka, sa wakas. Dumating na rin ang isang labanan na kung saan nasisiyahan ang lahat.
Spear kaharap ang Sword.
Binabangga nang dalawang armas ang isa't-isa, at naging masyadong masarap para sa mga manonood na makita ang banggaan ng dalawang armas.