Sa ilalim ng isang malaking puno ay hawak-hawak ni Flowing Cloud ang kaniyang Greatsword, Flame Shadow. Wala kang makikitang kahit na anong emosyong bumabakas sa kaniyang mukha. Ang karakter naman ni Fang Rui na si Boundless Sea ay nakatayo rin sa harapan ni Flowing Cloud.
Parang sa mga sandaling ito ay tumigil ang oras, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari.
Masyadong malapit lang sa isa't-isa ang dalawa, marahil ay kapag humihinga ang mga karakter ay maririnig nila ang hininga ng isa't-isa sa loob ng tahimik na kagubatang ito.
Si Boundless Sea na ang likod ay nakaharap sa likuran ng higanteng puno ay dahan-dahang yumuko.
Para umatake mula sa kaliwa, o kanan ay masyadong mahirap na, at dahil diyan ay paniguradong mahihirap rin na tambangan ang iyong kalaban sa ganitong klase ng sitwasyon. Idagdag pa na mabibilis rin ang kakayahan ni Lu Hanwen na umaksyon sa pagbabago ng labanan.