Natulala sina Pan Lin, at Li Yibo. Natulala rin ang mga manonood na pinaniwalaan ang salita ng dalawang pinuno sa seremonyas.
Tumakas sa pagpapalibot? Parang mali naman yata ang direksyong tinatahak niya kung gusto niyang tumakas! Kapag dumeretso siya diyan ay hindi ba't ang matatagpuan niya lamang ay isang Spirit?
Nagsimulang mag-isip si Li Yibo. Sa mga sandaling ito ay naging mabilis ang pagbabago sa labanan, bago pa man siya nakapag-isip ng mabuti ay bumangga na ang Boundless Sea ni Fang Rui sa isang Little Spirit.
Boom!
Isang low-leveled skill na naman kasabay ang isang ordinaryong atake ang kaagad na pumuksa sa Little Spirit na ito. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay.
Sa wakas ay naintindihan na ni Li Yibo ang mga nangyayari: "Iniisa-isa niya ang mga halimaw ni Li Yuan!"