Palagi namang maingat si Mo Fan. May mga sandaling magagawa niya sanang maipagpatuloy ang kaniyang opensiba, pero palagi siyang umaatras para makapaghanap nang panibago na namang pagkakataon para patagong atakihin ang kaniyang kalaban.
Sa ngayon, nasa harapan na niya ang kaniyang kalaban, at pinapalibutan na siya ng mga tinawag na halimaw ng kaniyang kalaban. Pero hindi siya nagdalawang-isip na sumugod.
"Harap-harapang labanan? Pero iba ang sitwasyong ito kaysa noon." Sabi ni Pan Lin.
Ang ibig sabihin ni Pan Lin sa "noon" ay ang labanang naganap noon sa pagitan ng Happy, at Blue Rain. Sa mga panahong iyon ay inilabas ni Li Yuan ang lahat ng mga tinawag na halimaw niya't nag-iwan lang siya nang isang Devil World Flower sa tabi niya.