Kapag umepekto ang Shadow Trap, ang manlalarong nagtatag nito ay kaagad na mapupunta sa kinaroroonan ng patibong.
Kung tatanungin mo ang isang tao kung papaano niya gagamitin ang skill na ito. Malamang iisa lang ang magiging sagot niya: Sa pananambang.
Ito ay dahil sa ang skill na ito ay isang skill na kung saan nagagawang malapitan kaagad nang isang manlalaro ang kaniyang kalaban kapag nahulog sa patibong na ito ang kaniyang kalaban. Ito rin ang skill na kadalasang ginagamit ng mga Thief kasama ang Ambush.
Kasi naman pag ang skill na Ambush ay matagumpay mong nagamit, magiging doble ang pinsalang mailalapat mo sa kanila't magagawa mo pa silang pigilan sa loob ng tatlong segundo. Talaga namang masyadong epektibo ang skill na ito kapag ipinares mo ito sa Stealth ng Thief o sa Shadow Trap.