Sugod!
Sinugod ng dalawang Team ang isa't-isa.
Maingat na naglaro ang Blue Rain kahit na mas marami sila. Ang Happy naman na dehado dahil kulang sila sa manlalaro ay naging agresibo ang paglalaro.
Wala bang problema diyan? Gusto bang magpakamatay ng Happy?
May ilang mga taong nagkaroon ng mga agam-agam. Pero noong tiningnan nilang mabuti ang sitwasyon ay namalayan nila na may mali.
Dahil sa hangarin ng Blue Rain. Dahan-dahang hindi nagiging maganda ang sitwasyon ng Blue Rain habang kinakaharap nila ang pagka-agresibo ng Happy. Kahit na mas marami sila kaysa sa Happy, naging walang kwenta ang kalamangan nila dahil sa pagkaagresibo ng Happy.
Ang karagdagang manlalaro sa kanilang Team ay parang karagdagang manlalaro na rin na maaaring maatake ng Happy, at hindi ba't ang ibig sabihin niyan ay mas malaki ang pinsalang mailalapat ng Happy sa huli sa kanila?
Samantalang mayroong Cleric pa ang Happy na tumutulong sa kanila!