Makipaglaban ng harap-harapan?
Sa totoo lang ay masyadong mataas ang Attack Speed ng mga armas ng mga Summoner na tinatawag na Wang. Kadalasang nasa 9 o 10 puntos ang antas ng mga Attack Speed nito. Dahil diyan, may ilang mga Battle Mage na manlalaro na ang ginagamit na armas ay ang Wand.
Itinutuon nila ang kanilang atensyon sa pagpapalakas sa kanilang mga abilidad na konektado sa mahika. Kung ang mga Summoner naman ang pag-uusapan ay masasabi mo na halos walang abilidad ang mga Summoner na makipaglaban ng malapitan.
Kapag kinailangan nilang makipaglaban ng harap-harapan ay wala silang magagawang kahit na ano kundi ang gamitin na lamang ang mga mahihina't halos walang-kwenta nilang mga skill kagaya ng Lash na kadalasang ginagamit nila para bigyan ng motibasyon ang kanilang mga halimaw.
Syempre, sa isang harap-harapang labanan ay hindi sasapat ang iilang mga skill na ito.