Natahimik ang lahat, pati na ang entablado. Ang mga manonood sa harap ng kanilang mga telebisyon, at kompyuter ay natahimik rin.
Mayroong sampung taon na kasaysayan ang Glory Professional Scene. Kadalasang nangyayari naman talaga ang mga sandali na kung saan pinipinsala ng mga manlalaro ang kanilang paligid para makakuha sila ng kalamangan sa partikular na mga mapa.
Pero ito pa lamang ang unang beses na mayroong isang tao na ginawa ang makakaya niya para patumbahin ang isang puno para lamang ibaon niya ang sarili niya doon. Ito pa lamang ang unang beses na nangyari itong ginawa ni Huang Shaotian.
Talagang siya nga si Huang Shaotian! Napabulong ang mga manonood sa kanilang sarili. Nasa playoffs na sila, at ang labanan na ito ay isang labanan sa playoffs. Pero nagkaroon pa rin siya ng gana na gumawa ng ganiyang klase ng eksena.