Sa isang iglap ay isang pader ng mga salita na naman ang bumalot sa screen.
Sumasakit na ang ulo ng Referee. Sa totoo lang, sa mga labanan sa Glory ay hindi naman masyadong marami ang gawain ng mga Referee.
Sa buong kasaysayan ng Glory, ang tanging dahilan kung bakit nakakatanggap ng mga Yellow Card ang mga manlalaro noon ay dahil lamang sa hindi magandang pananalita nila.
Dahil diyan ay mahihinuha mo na kung gaano kasakit ang ulo ng Referee sa mga panahong lumitaw na ang mga pader na salita na ito. Kasi naman, maaaring hindi pansinin ng mga manlalaro ang mga salitang ito, pero bilang Referee. Hindi niya maaaring kaligtaan ang mga ito!
Lahat ng mga mensaheng ipinapadala ng bawat manlalaro sa isang labanan ay nakatala't tinitingnan ito ng Alliance sa mga panahong natapos na ang labanan.