Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1400 - Ang Plano ni Mo Fan

Chapter 1400 - Ang Plano ni Mo Fan

Opisyal na nagsimula na ang labanan.

Ang pumili ng mapa ay ang Team Happy, at dahil diyan ay pamilyar dito si Mo Fan. Kaagad niyang tinahak ang rutang mas mahaba papunta sa sentro ng mapa na nasa kanan, kagaya sa rutang tinahak ni Ye Xiu sa nagdaang yugto ng labanan.

Ginawa rin ni Huang Shaotian ang mga ginawa niya sa nagdaang yugto ng labanan. Dumeretso siya sa sentro ng mapa, ang tanging kaibahan lamang ay hindi na naging tahimik pa si Huang Shaotian kagaya sa nagdaang laban.

Sa mga sandaling nakapasok na siya sa laro ay kaagad siyang nagsasalita't sinusubukang kausapin si Mo Fan. Swoosh, swoosh, swoosh. Napuno ng mga salita niya ang screen, pero walang kahit na anong sagot siyang natanggap mula kay Mo Fan.

"Wow, ang tahimik mo, ah? Hindi ka magsasalita? Bata, huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na isang ordinaryong labanan ito. Ang pakikipag-usap sa iyong kalaban ay isang pamamaraan para mawala ang kabang iyong nararamdaman!"

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS