Halos isang taon, at kalahati na ang lumilipas simula noong nasa loob na ng laro ang mga Level 75 na skill. Ngayon, masagana na ang karanasan ng mga propesyonal na Team tungkol sa kung papaano sila mainam na ginagamit.
Ang apat na Level 75 skill ng isang Blade Master: Falling Blossoms Form, Meteor Form, Piercing Form, at Curving Wind Form ay mga skill na pundasyon na nang kanilang opensiba. Sa totoo lang ay inaaapektuhan pa nga ng apat na skill na ito ang istilo ng paglalaro ng mga manlalaro ng class na ito.
Dahil sa Level 75 Update na ito ng laro ay nagkaroon ng maraming mga pagkakataon ang Happy. Isang halimbawa na rito ay ang mga materyales na nakuha nila mula sa mga Level 75 na wild BOSS, at gamit ang mga Orange na kagamitan ay nagawa nilang pantayan ang lakas ng Excellent Era sa kagamitan.
Pero para kay Ye Xiu, naging dehado siya dahil sa Level 75 Update.