Katahimikan, naghari ang katahimikan.
Walang kahit na sino sa dalawa ang nakakaalam kung ano ang ginagawa ng isa't-isa. Kahit na maingat na pinapakinggan nila ang paligid, ni isang yapak ng mga paa ay wala kang maririnig.
Tanging ang mga manonood lamang na nakikita ang lahat ng mga nangyayari ang may alam na kasalukuyang gumagalaw ang dalawang manlalaro.
Gumulong ng dalawang beses si Lord Grim matapos ang Slide Kick, mabilis na iniwan niya an lugar na kaniyang pinagtataguan para sa isa na namang lugar na maaari niyang mapagtaguan. Tungkol naman sa Troubling Rain ni Huang Shaotian?
Kagaya sa inaasahan ni Ye Xiu, binagalan lamang ni Huang Shaotian ang kaniyang paggalaw, at siya'y yumuko habang dahan-dahan niyang nilalapitan ang pinagtataguan ni Lord Grim kanina.
Pagkatapos nito, hindi siya nagdalawang-isip na nagpadala ng isang atake sa pinagtataguan ni Lord Grim kanina.
Whooosh!