"Wala pang kahit na sino sa kanilang dalawa ang gumagalaw!" Pasigaw na sabi ni Pan Lin. Kadalasang ang mga sitwasyong ganito ay nakakabagot para sa kahit na sino. Pero sabik na sabik dito si Pan Lin, sabik na sabik siya kung gaano kalakas ang mga Level 80 na kagamitan.
Kinuha ni Li Yibo ang mga nakaraang datos ni Lord Grim, at kasalukuyang kinukumpara niya ang mga nakaraang datos na iyon sa kasalukuyang datos ni Lord Grim. Kitang-kita niya ang apat na pangunahing mga stats ni Lord Grim, at dahil diyan ay nagsimula na ang pagsisiyasat ni Li Yibo.
"Masyadong nilalaniman ni Lord Grim ang kaniyang paggalaw sa loob ng mapa. Maaari bang naghahanap siya ng ibang mga anggulo na kung saan maaari siyang umatake? Pero ang lugar na kinalalagyan niya ngayon ay dapat na nakikita ni Song Xiao..."