Pumasok na sa kani-kanilang silid na paglalaruan ang dalawang manlalaro. Nakapasok na rin sa laro ang kanilang mga karakter, at magsisimula na ang labanan.
Pero biglang nagkagulo ang mga manonood, matapos nito ay bigla ring napasigaw sa gulat si Pan Lin sa hanay ng mga pinuno sa seremonyas: "Imposible!"
"Ano?" Naguluhan si Li Yibo. Dahil pare-parehas lang naman sa kahit na anong labanan ang mga nagaganap sa mga sandaling pumapasok sa loob ng laro ang mga karakter. Hindi niya ito pinagtuonan ng pansin.
"..." Nagdalawang-isip si Pan Lin. Kani-kanina lang. Noong papasok na sa laro ang karakter ng dalawang manlalaro. Sa mga sandaling lumitaw sa screen ang datos ng mga manlalaro ay may nakitang 80 si Pan Lin sa hanay ng mga kagamitan ni Lord Grim.