Matapos mabitawan ang mga salitang ito ay hindi inaasahan na hindi na magsasalita pa si Wei Chen. Sa mga sandaling ito ay natahimik ang lahat, at namalayan nila na ito na pala ang katapusan ng kwento ni Wei Chen.
Kasi naman, halos isang oras nilang pinanood ang labanan kanina. Pero hindi nila nakita, ni anino nitong dalawa. Marahil ay kanina pa siguro sila nakaupo dito sa may bangketa't kanina pa siguro nagsasalaysay si Wei Chen sa kaniyang nakaraan kay Steamed Bun?
"Kaluluwa? Anong kaluluwa? Dalawang taon lang naman ang pamamalagi mo kasama sila!" Lumapit si Ye Xiu, at walang-awang ibinulgar ang kasinungalingan ni Wei Chen.
"Anong pinagsasasabi mo?!" Tumalikod naman si Wei Chen, at matapos makita na si Ye Xiu ang nagsalita ay hindi inaasahang magiging kalmado siya: "Kung hindi dahil sa akin, iiral ba ang Blue Rain?"