Sa 1v1 na opensa ng Wind Howl nakalimutan nilang kunsiderahin ang Summoner sa ranggo ng Happy. Nakakahiyang baguhang pagkakamali.
Ang tapang at kompyan ng Team Happy sa kanilang manlalaro ay nakarating sa isang hindi malamang level. Para sa ibang team, gaano karami sa knaila ang handang itaya ang lahat para sa isang baguhan kahit na alam na malalabanan ng Summoner ang istilo sa paglalaro n Wind Howl? At isang baguhan na hindi pa gaanong naglalaro ng madaming round simula ng magsimula siya?
Ito ang ginawa g happy. Para sa nakakahiyang pagkakamali ng Wind Howl, ilan lang ang may puso para bigyang silang kritisismo para dito dahil karamihan sa kanila hindi rin pinansin ito katulad ng Wind Howl.
Habang nahuhumaling sila dahil hindi maglalaro si Ye Xiu, gaano karaming tao ang tumigil sa pagiisip kung ano ang gagawin ng Happy sa laban na wala si Ye Xiu?
Mula sa pananaw nila, nanggungulo lang ang Happy kapag hindi maglalaro si Ye Xiu.