Nagulat sina Pan Lin at Li Yibo sa pagkakaayos ng Happy sa round na ito at sa puntong ito, nasa gitna na ng kanilang laban ang Happy at Miracle. Ang target ay ang One Inch Ash ni Qiao Yifan? Maganda sa tiyorya ang pagsusuri ni He Ming, pero sinabi sa kanila ng katotohanan na hindi isang tao si si Qiao Yifan na madaling pabagsakin. Noong nagkita ang dalawang panig, wala silang nakitang pahiwatig ni One Inch Ash. May kung anong istratehiya ang isa.
Malambot ang laban. Dahil wala doon ang target nila, hindi sila kakapit sa plano na ito. Noong hindi na pinansin kung sino man ang nasa harap nila at tumakbo para hanapin ang target. Kaya nakita ng Miracle na may lamang sila sa bilang at nagdesisyon na dumeretso na lang! Talaga namang may lamang sila sa bilang at malaking lamang. Pero noong nagharap ang dalawang panig, buong lima ang Miracle habang kayla Tang Rou at Su Mucheng lang na character ang nasa panig ng Happy.