Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 134 - Tour Group

Chapter 134 - Tour Group

Ang nakuhang recording ay mula sa perspective ng karakter. Ang lahat ay awtomatiko. Ang kamera'y maaring ma-zoom papalapit at papalayo, pero hindi maaring ikutin ang paningin. Ang recording ni Qiao Yifan ay nagsimula nung sumugod ang kaniyang Ashen Moon at hinarangan si Lord Grim hanggang sa siya'y mapalibutan at mabugbog.

Bukod sa kaniyang paghihirap at pagdurusa sa kamay ni Lord Grim, wala namang iba pang nakikita. Sa kabilang dulo, napabuntong hininga si Xiao Yun. Ang kaniyang kamatayan dahil sa Vanishing Step ay hindi nasama sa recording.

Pero sinong nag-akala na napakatulis ng mga mata at kamay ni Wang Jiexi. Paulit-ulit niyang pinipindot ang screen at pinapatigil ang recording. Hindi niya tinitingnan ang paghihirap ni Ashen Moon, kundi kay Lord Grim, na kung saan pinapalipad niya si Cloudy Heavens sa ere.

Isa, dalawa, tatlo...

Buong katawan, at kalahati ng kaniyang katawan.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS