Naging maaalalahanin si Luo Ji. Pinili niya na lumabas sa individual competition sa round 28. Pagtapos ng araw, nagaalala pa rin siya sa skill level niya na mahila ang kanyang team pababa sa group arena na nagkakahalaga gn dalawang puntos, kumpara sa talo sainddividual competition na isang puntos lang. Para sa team competition, walang sapat na lugar para sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.
Napabuntong hininga sa lungot ang mga miyembro ng Team Happy sa ugali ni Lou Ji, lalo na ang mga beterano na mas may karanasan bilang propesyonal na manlalaro.
Pagdating sa mga manlalaro ngayon, sinong hindi gustong magkaroon ng madamign karanasan na pwede para sumikat? Gaano karaming tao ang talagang mali ang tingin sa kanilang abilidad na hindi sapat at mahahatak ang kanilang team?