Kahit nga mga taga-hanga ng Wind Howl walang pagasa sa kanila at sa laban pa sa isang powerhouse na katulad ng Blue Rain, wala pa sa 70% ang nabentang tiket. Madami ang mga taga-hanga na nasa labas ng istadum, na ayaw pumasok sa loob at manood. Kaya naman pinapakita nito na hindi sila natutuwa sa nakaraang pinakita ng Wind Howl.
Pero ito ang gabi na nanalo ang Wind Howl sa indivdual competition, nanalo sa group arena at nanalo sa team competition. Natalo nila ang kasalukuyang pangalawa na Blue Rain sa 8:2.
"Madaming bagay ang makakaapekto sa laban. Kung gagawin ang tamang bagay sa tamang oras, ito talaga ang paraan para manalo sa laban. Malakas ang opensa ng Wind Howl ngayong gabi at hindi makasabay ang depensa namin." Kumento ng Captain gn Blue Rain na si Yu Wenzhou sa pagpupulong matapos ang laban.