Sa gabing iyon, halos hindi makatulog ang lahat ng miyembro sa reserve team ng Club Tiny Herb.
Hindi na sila nagsama-sama pa at nanghamon ng away kay Lord Grim. Kahit na halos silang lahat ay ginamit ang dahilang "hindi sila sanay sa mga low-leveled accounts.", alam nila sa puso nila na iyon ay tanging pagdadahilan lamang. Sila'y mga pro-players, at kahit na sila'y hindi sanay. Iyon ay hindi isang sapat na dahilan para maubos silang lahat ng mga kalaban, hindi ba?
Sa kinaumagahan, ang main team ng Tiny Herb at ang reserve team ay nagkita-kita at nag-kukumustahan sa practice room.
Bilang mga pro-players, silang lahat ay kinakailangang mag-ensayo araw-araw. Kahit na marami sa kanila ang ayaw sanang sumali sa pag-eensayo, walang nangahas na hindi sumali. Sa mga titig pa lamang ni Captain Wang Jiexi, halos kalahati ng mga team members ay nangingig na sa takot.