Isang skill isang atras. Sa huli, nagawang mailagay ni Mo Fan ang paulit ulit na ritmo na ito. Agad nawala ang pagkasabay ng pabayang pagkikipagpalitan ng health ni Liang Fang. Sa oras na mapagtanto niya ito, naipagpalit na niya ang kanyang health para sa isang walang laman.
Natalo siya.
Sa individual competition, tinapos ito ng Happy sa 3-0. Walang masabi ang buong istadyum.
"Haha, maganda ang pinapakita ng Happy ngayon!" Kumento ni Li Yibe.
"Plano ba nilang makakuha ng isa pang perpektong tagumpay?" Naisip ni Pan Lin.
Biglang tumibok ng malakas ang puso ni Ruan Cheng. Kung talagang mawasak ng Hapy ang Tiny Herb sa kanilang Away Game, para bang tinapon nila siyang nakahubad dito, talagang mapapahiya siya!
Anong ginagawa niyong mga walang hiya?!
Mas desperados I Ruan Cheng at nagaalala kaysa sa boss ng Tiny Herb.