Totoo na mas malaki ang pakinabang ng Phantom Demon sa team competition, pero ang gamitin ito para sabihin na mahina ang kanilang 1v1 ay walang kabuluhan. Maaaring maraming ordinaryong manlalaro na ganito ang pagiisip, pero dahil lang ito sa mas mahirap laruin ang Phantom Demon sa 1v1. Idagdag pa na ang pinili na mapa ng Tiny Herb para sa individual na laban na ito ay hindi maganda para marating ng Phantom Demon ang purong pontensyal nito.
Pero kahit na sa mga kondisyon na ito, nagawa pa rin na mailagay ni Qiao Yifan ang kanyang mga Ghost Boundaries ng maayos na naghahadlang kay Gao Yingjie na mailabas ang kanyang mga epektibong atake. Ito ang isang bagay na masisigurado. Para masabi ang pagkawala ng pangunguna, talagang pangungutya ito.
Syempre alam itong lahat ni Ruan Cheng, pero ngayon, ituturo niya ang mga kapintasan ng Happy kahit na anong mangyari. Sa kanyang opinyon, napakababa ng pagkakatoan ng Happy na mapanalo ang laban na ito.