Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1316 - Masyadong Maraming Maiinit na Paksa

Chapter 1316 - Masyadong Maraming Maiinit na Paksa

Kahit na nanalo ang Blue Rain sa labanang ito ay naging masama ang pakiramdam nila dahil sa huling 23 na minuto na iyon.

Pero si Yu Wenzhou na masyadong magaling na maghanap ng kasagutan sa mga tanong na kadalasang nahihirapan ang ibang mga tao na ipaliwanag ay talagang hindi maintindihan ang ginawa ni Ye Xiu, at Mo Fan kanina.

Naghahanap ba talaga silang dalawa nang pagkakataon na mapatumba silang lima? Hindi naisip ni Yu Wenzhou na ganiyan ang iniisip ni Ye Xiu. Baka naman pinagtritripan lang nilang dalawa ang lahat, at iniinis sila? Hindi naisip ni Yu Wenzhou na ganiyan kasama ang pag-uugali ni Ye Xiu.

Kung ganoon ay ano ba talaga ang dahilan?

Sa totoo lang ay ito ang palaisipang namalagi sa isipan ni Yu Wenzhou sa mga sandaling natapos na ang labanan. Sa totoo lang ay noong nagkamayan na ang mga manlalaro para sa opisyal na katapusan ng labanan ay tinanong pa ni Yu Wenzhou si Ye Xiu.

Pero ngumiti lamang si Ye Xiu, at hindi sumagot.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS