Sa ikadalawampu't-tatlong yugto ng mga labanan sa regular season na kung saan, kakalabanin ng Happy ang Tyranny ay kasalukuyang makikita mo na ang mga karakter ng bawat manlalaro sa entablado.
"Ye Xiu, hanggang dito na lamang ang record mo!"
Sa pag-akyat ni Ye Xiu sa entablado ay kaagad na nagsisisigaw na ang mga tagahanga ng Tyranny sa iba-iba niya. Malinaw na mayroong namumuno sa kanilang pagsisisigaw.
"Hahaha, namiss ko rin ito, ah!" Nagulat ang lahat, pero tumawa lamang si Ye Xiu. Pero ngayong nasa harapan niya ang eksenang ito ay namalayan ni Ye Xiu na matagal-tagal na rin simula noong nakaranas siya ng ganitong klase ng pakikitungo.
Naging ganito pa rin naman ang natanggap niyang pakikitungo mula sa mga tagahanga ng Tyranny sa nagdaang All-Star Weekend, pero hindi nakakakumpara ang mga nangyari doon sa mga nangyayari ngayong nasa entablado na siya ng Tyranny.