Pagkatapos ng ikadalawampu't-dalawang yugto ng mga labanan ay ilang mga pagbabago na lamang ang nagaganap sa ranggo ng mga Team. Malinaw na naging solido na ang pundasyon ng mga Team na nasa listahan matapos ang mahabang panahon na rin na pakikipaglaban sa isa't-isa.
Magiging mahirap na rin, simula ngayon na makaakyat sa ranggo dahil lamang sa nakakuha ka nang mga puntos.
Sa tatlong yugto ng mga labanan pagkatapos ng Lunar New Year, ang nakaakit ng pinakamaraming atensyon ay syempre. Ang Team 301.
Walang kahit na sino sa mga nakalaban ng Team 301 sa nagdaang tatlong yugto ng mga labanan ang mahihina. Pero nagawa pa ring manalo ng 301 sa iskor na 9 laban sa 1, at dalawang tagumpay sa iskor na 8 laban sa 2.