Naging masyadong sabik na sabik si Du Ming noong umakyat na siya sa entablado para makipaglaban, sa mga sandaling sumugod na siya para magpakawala ng mga atake ay nagdadalawang-isip pa siya kung magsasalita pa ba siya o hindi.
Pero sa kasalukuyang husay, at galing ni Tang Rou sa laro ay papaanong magiging madali na kalabanin siya? Kaagad na nakakita si Tang Rou ng isang malaking pagkakataon, at isang Circle Swing ang lumabas.
Deretsahang napaupo sa lupa ang Moon-Luring Frost ni Du Ming.
Kasalukuyang natataranta na ngayon si Du Ming. Ginusto niyang magpasikat sa lahat para mapahanga si Tang Rou sa kaniya, pero sa pagsisimula ng labanan ay deretsahang isinara ni Tang Rou ang kaniyang palabas.
Hindi inaasahan na magkakaroon ng isang malaking pagkakataon si Tang Rou sa kaniya na kaagad namang nasamantala ng dalaga. Dahil diyan ay papaano niya haharapin ngayon ang mga kasamahan niya sa Team?