Masasabi mo na isang malaking kalamangan ang manalo na mayroon pang 72% na Health na natitira sa iyong katawan sa isang yugto ng labanan sa Group Arena.
Dahil ang ganitong klase ng kalamangan ay maaring magpapatong-patong sa Group Arena. Masyadong naiiba ang Group Arena kaysa sa Individual Competition. Kasi naman, sa Individual Competition, kailangan mo lang manalo kaharap ang iyong kalaban sa isang harap-harapang labanan.
Pero dito sa Group Arena, kailangang pairalin mo ang iyong Health dahil sa kapag natalo mo ang iyong kalaban. May susunod ka na namang kalaban na kailangang talunin nang hindi napupuno muli ang iyong Health.
Dahil dito, kailangang epektibo't may maayos na dahilan ang lahat ng mga galawang ginagawa mo sa Group Arena. Ang pagkaepektibo ng iyong mga atake ang pinakamahalaga sa Group Arena. Sa laban na kakatapos lang dito, naipakita ni Sun Xiang ang kakayahan niya sa paksang iyon.