Kahit na hindi sapat ang abilidad ni Li Yibo tungkol dito ay kailangan pa rin niyang sumagot. Pero syempre, hindi siya nangahas na magsalita ng patapos kung sino sa dalawang kampo ang nakakalamang.
Dahil dito ay ipinakilala na lamang niya sa lahat ang katangian ng mga manlalaro ng dalawang kampo, pero habang ginagawa niya ito ay naging masama ang pakiramdam ni Pan Lin. Magagawa naman kasi niyang ipakilala sa lahat ang mga manlalaro ng dalawang kampo.
Ang dahilan kung bakit nandirito si Li Yibo ay para magsalita ng mga bagay-bagay na mas malalim kaysa sa naiintindihan ng mga ordinaryong manlalaro! Pero dahil naiintindihan ni Pan Lin ang sakit sa ulo ngayon ni Li Yibo, hindi na siya nagpumilit pa.
Matagal-tagal ring nag-usap ang dalawa sa kasagsagan ng pamamahinga, at pagkatapos nito. Opisyal na nagsimula na ang Group Arena.
Happy – Fang Rui, Boundless Sea.
Samsara – Sun Xiang, One Autumn Leaf.