Itinutok nina Zhou Yebai at Liu Fei ang kanilang pansin sa screen ni Qiao Yifan. Pati si Xiao Yun ay gustong makita kung ano ang nangyayari. Subalit, siya'y masyadong malayo. Hindi maaring makita niya ang mga nangyayari na hindi tumatayo.
Hindi nagsalita si Xiao Yun. Kahit na hindi niya nakikita ang mga nangyayari, maari parin siyang magtanong. Isa sa mga dahilan kung bakit ipinasugod niya si Qiao Yifan sa kalaban ay para mahinuha ang lakas ng kanilang mga kalaban. Kung si Qiao Yifan nga ay napagtantong mahirap talunin ang kanilang kalaban, papaanong hindi ito malalaman ni Xiao Yun?
"Papaano?" Walang emosyong nagtanong si Xiao Yun.
Sa huli, narinig niyang tumawa si Zhou Yebai at Liu Fei.