Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1287 - Malaking Sorpresa

Chapter 1287 - Malaking Sorpresa

Naging mabilis ang paglipas ng Spring Festival. Bumalik na ang mga manlalaro sa kani-kanilang mga Team matapos nilang iginugol ang kanilang oras kasama ang kanilang mga pamilya.

Bukod sa mga ordinaryong tao na dahan-dahang maiaakma ang sarili nila sa pagtratrabaho matapos ang mahabang pamamahinga. Kinakailangang maayos kaagad ang kondisyon ng mga propesyonal na manlalaro dahil sa paparating na ang ika-dalawampung yugto ng mga labanan sa Professional League.

Sa ika-anim na araw ng Spring Festival. Sa ikadalawampu't-walong araw ng Enero ay nagsibalikan na sa Team ang mga manlalaro ng Happy. Sa pagbabalik ni An Wenyi, nakatanggap siya ng isang Little Cold Hands na talagang hindi na niya nakikilala.

Siya ang kahinaan ng Happy. Siya rin ang pinupuntirya ng kanilang mga kalaban sa mga sandaling nagsasagawa ang kanilang mga kalaban ng stratehiya. Naging marami ang mga stratehiya ng Happy na nakabatay sa pagbibigay ng proteksyon sa kaniya dahil sa katotohanan na ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS