Naging mabilis ang paglipas ng mga oras. Napasiyahan ni Guan Rongfei na hindi na lamang umuwi dahil sa masyadong abala na naman kasi siya sa kaniyang mga pagsasaliksik. Napasiyahan niyang igugol na lamang ang pagdiriwang para sa Lunar New Year.
Kasama sina Chen Guo, Ye Xiu, at Su Mucheng. Gayunpaman, naging sagabal ang presensya niya para sa pagdiriwang ni Chen Guo sa mga panahong nagsimula na ang kainan nila sa gabi ng Lunar New Year.
Ito ay dahil sa mga panahong hindi nagsasalita si Guan Rongfei. Nakatuon ang atensyon niya sa pagkain. Pero sa mga sandaling nagsasalita naman siya ay palagiang tungkol sa Glory ang kaniyang bukambibig.
Huwag mong isipin na sapat na ang lakas ng Happy dahil sa mayroon silang karakter na mayroong kumpletong mga Silver na kagamitan. Kung tutuusin ay kulang na kulang pa nga ito kung ikukumpara sa mga malalakas na Team sa Alliance.