Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1285 - Ang Paasang Healer

Chapter 1285 - Ang Paasang Healer

Solo Healer para sa isang Level 60 na Dungeon na para sa isang-daang mga manlalaro.

Ang taong nagpanukala sa hindi kapani-paniwalang ideya na ito ay ang Cleric ng Happy na si An Wenyi. Syempre, malinaw na masyadong mahihirapan, at mabibigatan ang isang Cleric kapag nagkatotoo nga ang lahat ng ito.

Gayunpaman, gustong gamitin ni An Wenyi ang ganoong klase ng sitwasyon para mas linangin pa ang karanasan niya bilang isang Cleric.

Ang tanging problema lamang ay hindi naman kasi kapani-paniwalang ideya itong panukalang ibinigay ni An Wenyi. Pero sa totoo lang, marami naman talagang insidente na kung saan iisang Cleric lamang ang nakikilahok sa mga malakihang labanan sa loob ng mga dungeon.

Nagawang makahanap ni An Wenyi ng isang grupo na nasalihan niya. Sa totoo lang ay maari sanang puntahan ni An Wenyi ang mga Team na nasa Guild Happy. Pero dahil sa pagkakakilanlan niya, malamang ay magiging masyadong maingat silang lahat sa kaniya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS