Sa huli, hindi magawang patigasin ni Chen Guo ang kaniyang puso para hatakin ang dalawang ito papalayo sa kanilang kompyuter. Habang naghahanda sila sa paparating na Spring Festival. Siya, at si Su Mucheng ay tinrabaho na lamang ang mga dapat nilang gagawin.
Sa mga sandaling natapos na ang dalawa sa kanilang paghahanda ay nasa parehong posisyon pa rin ang dalawa sa loob ng silid na kung saan iniwan nila ang dalawa kanina. Sa pagkaseryoso nilang dalawa, malinaw na hindi sila maaring istorbohin.
Sinulyapan ni Chen Guo si Su Mucheng. Tumango naman si Su Mucheng at umatras na lamang ang dalawa't nagparaya.
Marami pa namang bakante sa loob ng silid, kaya inilagay nina Chen Guo, at Su Mucheng ang lahat ng mga gamit na binili nila para sa paparating na Lunar New Year. Umupo na muna si Chen Guo, at tiningnan niya ang puntos ng bawat Team na nakalista sa leaderboards.
May naramdaman si Chen Guo na nahirapan siyang ipaliwanag.