"Tagumpay!" Sa huling pagsigaw ni Tang Hao ay kahit na hindi pa rin tumutugma ang mentalidad ng mga manlalaro ng Wind Howl. Masasabi mo na nagkaroon na rin sila sa wakas nang motibasyon para magpatuloy sa pakikipaglaban.
"Mukhang maingay-ingay yata ang Wind Howl, ah." Sa kampo ng Happy ay tinatapos na nila ang kanilang pagpupulong para sa paparating na Team Competition. Ginustong makinig ni Chen Guo sa kanilang mga usapan, pero palagian siyang nahihilo sa kanilang mga usapan.
Dahil diyan, pinili niya na hindi na lamang makinig. Imbis na makinig ay naglakad-lakad na lang muna siya nang namalayan niyang biglang nagsigawan ang mga manlalaro ng Team Wind Howl.
Namalayan rin ng Happy ang sigawan ng mga manlalaro ng Team Wind Howl. Sinulyapan ng Happy ang Wind Howl, at sinulyapan rin ng Wind Howl ang Happy. Sa mga panahong nagtagpo ang mga mata ng dalawang kampo ay parang nakatuon yata ang mga mata ng Wind Howl sa isang tao.