Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1273 - Mga Pamilyar na Tao

Chapter 1273 - Mga Pamilyar na Tao

"hehehehehehehe"

Pitong sunod-sunod na "he" ang natanggap na sagot ni Zhao Yuzhe. Dahil nagmula ang mga salitang ito sa taong tinaguriang isa sa mga pinakawalang-hiyang manlalaro sa buong Alliance. Kaagad na nanlamig ang pakiramdam ng lahat.

Ramdam nila na hindi lang matatalo si Zhao Yuzhe, madudurog, at ipapahiya pa siya ng kaniyang kalaban.

"Ano po ba ang tinatawa-tawa ninyo, Kuya?" Matapos makita ang pitong sunod-sunod na "he" ay naging kalmado pa rin naman si Zhao Yuzhe. Hindi siya manlalamig dahil sa ipinapakitang kawalang-hiyaan ni Fang Rui sa kaniyang paglalaro.

Sa totoo lang ay noong una pa lamang ay hindi na mataas ang tingin ni Zhao Yuzhe sa mas nakakatanda pa sa kaniya na si Fang Rui. Wala namang problema na magpakita ng kawalang-hiyaan ang isang manlalaro na Thief ang class.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS

Related Books

Popular novel hashtag