Ito na ang katapusan sa mga opisyal na kaganapan sa All-Star Weekend. Kahit na ramdam ng mga manonood na naging maganda naman ang kinalabasan ng mga kaganapan ay ramdam nila na para bang nakukulangan pa sila.
Hindi ba't parang sayang naman na naging ganoon kabilis ang katapusan ng tatlong araw na All-Star Weekend?
Pero napasiyahan na ang mga manlalarong nagtagumpay, at nakababa na sa kani-kanilang silid na pinaglaruan ang mga manlalaro ng Team A, at Team B. Hindi sila deretsahang bumaba sa entablado, kundi ay kinausap na muna nila ang isa't-isa.
Para sa ganitong klase ng labanan ay hindi naman talaga malaki ang importansyang inilalagay nila sa kung ano ang magiging kalalabasan ng labanan.
Kung sineseryoso nila ang labanang ito ay hindi mangyayari iyong ginawa nilang pagpapalibot sa dalawang manlalaro para mapanood ang harap-harapang labanan nila.