"Maganda naman ang kanilang mechanics, hindi ba?" Sabi ni Plantago Seed.
"Yeah." Tumango si Wang Jiexi. Kung ikukumpara sa mga ordinaryong manlalaro, ang mechanical skill ng tatlong ito'y matatawag na "maganda", kahit na ang magulong Brawler na iyon.
"Pero pinapanood lang natin sila habang nilalabanan ang mga halimaw, kaya wala tayong masyadong makikita." Sabi ni Wang Jiexi.
"Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin?" Nagtanong si Plantago Seed.
"Pahiramin mo muna ako ng account mo saglit. Pupunta ako sa kanila't mangungumusta." Sabi ni Wang Jiexi.
"Ah!" Mabilis na tumayo si Plantago Seed at binakante ang kaniyang upuan. Sa "Ah!" na ito'y mararamdaman ang matamis niyang pagkagalak. Nagulat siya dahil ang Diyos na si Jiexi ay personal na nagpakita para sa tatlong ito. At nasiyahan siya dahil nabigyan siya ng chansang makita ang husay at galing ng Diyos na si Jiexi nang harap-harapan.