Ang mga manlalarong kadalasang nabibilang sa listahan ng mga All-Star na manlalaro ay walang nagiging pakialam sa mga labanang nagaganap sa All-Star Weekend. Pero ibahin mo ang mga baguhang nasasama sa listahang ito.
Lalong-lalo na ang mga baguhang nasa unang taon pa lamang ng kanilang karera bilang isang propesyonal na manlalaro. Masyadong madalang lamang na nakakaakyat sila sa entablado, at uhaw na uhaw sila na ipakita sa lahat ang tunay nilang lakas.
At saka, dahil malalakas ang mga manlalarong makakaharap ng mga baguhang ito, at dahil sa marami rin ang mga taong nagbibigay ng pansin sa kumpetisyong ito ay hindi mo sila masisisi kung gusto nilang magpasikat sa entablado na ito.
Sa totoo lang ay hindi na importante sa kanila kung sineseryoso nila ang paglalaro. Sapat na ang katotohanan na kailangan nilang maglaro ng maayos, para magawa nilang makapagyabang saa mga nakikilala nila kapag nagawa nilang talunin ang Battle God, ang Great Gunner o ang Sword Saint.