Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1246 - Ang Humingi ng Patnubay sa Nakakatanda

Chapter 1246 - Ang Humingi ng Patnubay sa Nakakatanda

"Ang gusto kong hamunin ay si Kuya Ye Xiu ng Team Happy." Umalingawngaw ang boses ni Li Jiu sa buong istadyum.

Nabigla ang lahat, pero kaagad rin silang nakabalik sa sarili nilang katinuan at nabalot na naman ng ingay ang buong istadyum.

"Ang tapang ng batang 'yun, ah!" Kadalasang mga mababangis talaga ang mga tagahanga ng Tyranny, dahil marami-rami sa kanila ang napasigaw ng ganito. Kahit na kinamumuhian nila si Ye Xiu, dahil siya ang walang-hiya nilang mortal na kaaway. Hindi nila itinatanggi ang kaniyang lakas.

Ngayon, hindi inaasahang hahamunin ng baguhang manlalaro na ito si Ye Xiu. Sige! Sige! Maganda nga ito! Mas magiging maganda pa ang lahat ng ito kapag natalo si Ye Xiu!

Habang naiisip ng mga manonood ang posibilidad na ito ay hindi nila mapigilang makaramdam ng matinding pananabik.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS