Sa sulok, pinatay ni Huang Shaotian ang kaniyang computer. Itinago niya ang kaniyang sarili't dahan-dahang lumabas mula sa kadiliman. Si Ye Xiu na kanina pa tinitingnan si Huang Shaotian nakitang lumalakad siya sa kaniya.
"Bakit ka nag-retiro? Bakit ka nag-retiro?" Tinatanong parin siya ni Huang Shaotian.
"Kung hindi ako nag-retiro, sa tingin mo'y gusto ko bang manatili bilang isang training partner lang?" Tinanong siya ni Ye Xiu.
"Bilang isang training partner? Talagang gusto kang paalisin ng Excellent Era!" Sabi ni Huang Shaotian, "Pero hindi ba't masyadong mapusok ang deretsahang pag-retiro? Naghanap ka sana nang malilipatan! Kahit na hindi ka pakakawalan ng Excellent Era, hindi ibig sabihin ay wala ka nang malilipatan. Sigurado akong may mga ilang team na gagawin ang kahit na ano para mabitawan ka lang ng Excellent Era. Sana lang ay naghintay ka kung wala na talagang malilipatan bago ka nag-retiro!"