"Oh? May kailangan ka ba?" Ibinaling ni Su Mucheng ang kaniyang ulo at matamis na ngumiti, salungat sa ipinapakitang nagngangalit at malamig na pagmumukha ni Liu Hao.
Ang dalawa'y nagkatinginan. Makikita sa kanilang mga mata ang apoy na sumisiklab.
Kahit na siya'y nakangiti, ang mga mata ni Su Mucheng ay nagpapakita ng mag malamig pang ilaw kaysa kay Liu Hao.
Sa kanilang mga mata, si Su Mucheng ay isang mabait at mahinhing babae. Gayunpaman, siya'y palagiang nakatayo sa paligid ni Ye Qiu na para bang wala siyang sariling opinyon. Ang ganoong klase ng babae'y madaling paglaruan at awayin.
Pagalit na sumigaw si Liu Hao kay Su Mucheng. Pero ngayong nagkaharap na sila, siya ang kinakabahan at nawalan ng tiwala sa sarili.
"Kapag wala kang sasabihin, aalis na ako." Tumawa si Su Mucheng, at umikot papaalis.