Syempre, hindi magiging maganda ang pakiramdam ng buong Void.
Para sa Group Arena. Sinubukan ni Li Xuan na pagandahin ang pakiramdam ng kaniyang mga kasamahan. Pero sa mga panahong siya na mismo ang nakipaglaban ay nahirapan siyang harapin ang kaniyang kalaban.
Ni hindi nga niya nakita ang huling sandigang manlalaro ng Happy sa Group Arena, dahil sa binugbug-sarado siya ni Su Mucheng sa labanan na naging dahilan kung bakit mas naging masama ang pakiramdam niya.
Mabuti na lamang ay mga matatandang manlalaro na ang mga manlalaro ng Void, at saka alam rin ng baguhang manlalaro na si Ge Caijie na si Su Mucheng talaga ang puno't-dulo sa sakit ng ulo na nararamdaman ng Void nitong mga nagdaang taon.
Dahil dito ay hindi sila nakaramdam ng pait sa naging resulta ng labanan.